Singapore, June 5, 2016--Sa kanyang talumpati sa Ika-15 Shangri-La Dialogue (SLD), sinabi ni Sun Jianguo, Deputy Chief of the Joint Staff ng Central Military Commission ng Tsina, na sa ilalim ng pagsisikap ng Tsina at iba pang mga bansa sa paligid ng South China Sea, matatag ang kabuuang situwasyon ng rehiyong ito, at hindi apektado ang malayang nabigasyon at paglipad.
Matatag aniyang pinapangalagaan ng Tsina ang soberanya, teritoryo at interes nito sa dagat, samantalang, laging iginigiit ang paglutas ng hidwaan sa pamamagitan ng mapayapang talastasan, kinokontrol ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng pagtatatag ng mekanismo, at isinasakatuparan ang win-win situation sa pamamagitan ng kooperasyon. Laging igigiit ng Tsina ang pangangalaga sa paglalayag, paglipad at kapayapaan sa SCS, dagdag niya.
salin:wle