|
||||||||
|
||
Kaya ipinahayag ni Hua na matinding tinututulan ng panig Tsino ang nasabing pahayag.
Bukod dito, inulit ni Hua ang mga paninindigang Tsino sa isyu ng SCS na kinabibilangan ng mga sumunod:
Una, ang soberanya at teritoryo ng Tsina sa Nansha Islands at karagatan sa paligid nito ay mayroong sapat na baseheng hisitorikal at pambatas.
Ikalawa, ang mga konstruksyon ng Tsina ay nabibilang sa suliraning panloob at gagamitin ang mga ito para sa mga serbisyong pampubliko.
Ikatlo, ang arbitrasyon na iniharap ng Pilipinas ay naglalayong ipakaila ang soberanya, at karapatang pandagat ng Tsina sa SCS, sa halip na lutasin ang mga hidwaan ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay pag-abuso sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ikaapat, ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) ay pundasyon ng kaayusang panrehiyong ng SCS. Dapat aniyang sundin ito ng mga may kinalamang bansa.
Sinabi pa ni Hua na kinakatigan at pinapasulong ng Tsina ang dual-track approach na iniharap ng mga bansang ASEAN para maayos na lutasin ang isyu ng SCS.
Ayon sa dual-track approach, ang mga hidwaan ay dapat lutasin ng mga direktang kasangkot na bansa sa pamamagitan ng talastasan at ang kapayapaan at katatagan ng SCS ay dapat magkasamang pangalagaan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |