Lunes, Ika-6 ng Hunyo 2016—Sa nakasulat na talumpati ni Pangulong Barack Obama ng Amerika sa Ika-8 Strategic and Economic Dialogues at Ika-7 High-Level Consultation on People-to-People Exchange ng Tsina at Amerika, sinabi niyang nitong 7 taong nakalipas, magkasamang hinarap ng Amerika at Tsina ang maraming pandaigdig na hamon, gaya ng, pag-ahon ng ekonomiya ng daigdig, pagbabago ng klima, nakahahawang sakit, at mga isyung panseguridad ng Iran, Hilagang Korea at Afghanistan. Ito ang katunayan, kung tapat na haharapin at magkasamang lulutasin ng dalawang bansa ang mga isyu, lalakas ang relasyon ng Amerika at Tsina, dagdag ni Obama. Samantala, sinabi rin niyang ang diyalogo ay nakakatulong sa pagpapahigpit ng kooperasyon, pagpapalalim ng pagpapalitan at pagkontrol sa mga pagkakaiba.
Aniya pa, tinatanggap ng Amerika ang pag-ahon ng Tsina bilang isang matatag, mapayapa at masaganang bansa. Patuloy rin aniyang pinapatingkad ng Tsina ang responsibleng papel nito sa mga suliraning pandaigdig.
Kahit mayroong mga pagkakaiba, dapat patuloy na itatag ng dalawang bansa ang relasyon batay sa komong hamon, responsibilidad at interes, dagdag pa niya.
salin:wle