Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-8 Strategic and Economic Dialogue at Ika-7 High-Level Consultation on People-to-People Exchange ng Tsina at Amerika, binuksan sa Beijing

(GMT+08:00) 2016-06-07 09:29:17       CRI
Ika-8 Strategic and Economic Dialogue at Ika-7 High-Level Consultation on People-to-People Exchange ng Tsina at Amerika, binuksan sa Beijing

Binuksan, Lunes, ika-6 ng Hunyo 2016, sa Beijing, ang Ika-8 Strategic and Economic Dialogues at Ika-7 High-Level Consultation on People-to-People Exchange ng Tsina at Amerika. Mga 500 kinatawan ng Tsina at Amerika ang kalahok sa seremonya ng pagbubukas. Kabilang dito sina Liu Yandong, Pangalawang Premiyer at Espesiyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina; Wang Yang, Pangalawang Premiyer ng Tsina; Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina; John Kerry, Kalihim ng Estado at Espesyal na Sugo ni Pangulong Barack Obama ng Amerika; Jacob J. Lew, Kalihim ng Pananalapi ng Amerika.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Liu Yandong na nitong 6 na taong nakalipas sapul nang itatag ang nasabing mekanismo sa people-to-people exchange ng Tsina at Amerika, narating ng dalawang panig ang mahigit 400 bunga at komong palagay. Ito aniya ay gumaganap ng mahalagang papel para sa pagpapalalim ng pagkaunawaan, pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Wang Yang na ang pagtatatag ng Tsina at Amerika ng mekanismo ng mataas at komprehensibong diyalogong estratehiko at economikal ay angkop sa interes ng dalawang bansa at daigdig.

Ipinahayag naman ni Kerry na dapat palakasin ang pagpapalitan, palalimin ang pagtitiwalaan, palakasin ang kooperasyon, at nang sa gayo'y, gumawa ang dalawang bansa ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig.

salin:wle

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>