Binati ika-8 Hunyo, 2016, ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia ang mga Tsino na nagdiriwang ng Dragon Boat Festival. Umaasa aniya siyang magkakasamang magsisikap ang mga mamamayan para pangalagaan ang pagkakaisa ng bayan at harmoniya ng lipunan, at maigarantiya ang katatagan at kapayapaan ng bansa, at nang sa gayo'y, magkasamang magmana ng sarisaring kultura at magdudulot ng mas maraming progreso sa bansa.
Ipinahayag ito ni Razak sa kaniyang personal na account sa Facebook. Aniya, bukod sa pagtipun-tipon ng pamilya at pagkain ng Zongzi, pagmamahal sa bayan ay isa pang katuturan ng Dragon Boat Festival.
salin:wle