Kunming, kabisera ng Yunnan Province sa katimugan ng Tsina—Nilagdaan Linggo, June 12, 2016 ang Balangkas na Kasunduan hinggil sa Kooperasyon ng Samahan ng Yunnan hinggil sa Transnasyonal na Transportasyon at Pandaigdig na Lohistika, Bahay-Kalakal ng Lohistika ng Laos at Samahan ng Thailand sa Transportasyon at Lohistika. Layon nitong mapaginhawa ang transportasyon sa pagitan ng tatlong magkakapitbansa.
Nilagdaan ang kasunduan sa kapipinid na Porum sa Kooperasyon ng Modernong Lohistika ng Greater Mekong Sub-region (GMS).
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang pagkakalagda sa nasabing kasunduan ay masasabing isa pang bunga ng GMS Economic Cooperation Program na inilunsad ng anim na bansa sa kahabaan ng Mekong River noong 1992. Anim na bansa ang matatagpuan sa kahabaan ng Mekong River na kinabibilangan ng Cambodia, China, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio