Sa Bangkok, Thailand—Dumalo dito kahapon ng umaga, local time, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng ika-5 summit ng kooperasyong pangkabuhayan sa Great Mekong Subregion (GMS).
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Li na sa kasalukuyan, matamlay ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at nahaharap ang Asya sa presyur ng pagbaba ng kabuhayan, pero nananatili pa ring pinakamasiglang rehiyon sa daigdig ang Asya.
Sinabi ni Li na ang limang bansa sa Indo-China Peninsula ay mga mapagkaibigang kapitbansa ng Tsina. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap, kasama ng naturang limang bansa, para itatag ang bagong balangkas ng pagpapalalim ng kanilang kooperasyon. Kaugnay nito, iniharap ni Li ang limang mungkahi: una, palalalimin ang kooperasyon sa larangan ng imprastruktura. Ika-2, hahanapin ang inobasyon sa modelo ng kooperasyon ng industriya. Ika-3, palalakasin ang pagkatig na pinansiyal sa kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan. Ika-4, pasusulungin ang pag-unlad ng uspin ng pamumuhay ng mga mamamayan at lipunan. At ika-5, patataasin ang lebel ng pagbubukas at linkage ng pag-unlad ng rehiyon.
Salin: Vera