Orlando, Florida, Amerika--Naganap ika-12 ng Hunyo 2016 ang pamamaril sa isang nightclub, at di-kukulangin sa 50 ang kumpirmadong patay, samantalang 53 namang iba pa ang sugatan. Ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na ito ay "aksyon ng pagkapoot at terorismo".
Alas-dos ng madaling araw, ika-12 ng Hunyo, local time, naganap ang naturang insidente sa "Pulse Nightclub." Nang araw ring iyon, kinumpirma ni Buddy Dyer, Mayor ng Orlando na 50 katao ang namatay at 53 ang nasugatan dahil dito.
Sa news briefing, matapos ang insidente, ipinahayag ni Pangulong Obama, na sa kasalukuyan, ang kaso ay nasa inisyal na imbestigasyon.
Salin:Wle