|
||||||||
|
||
Bubuksan Martes, ika-14 ng Hunyo, 2016, sa Lalawigang Yunnan ng Tsina ang Espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Lunes, ipinahayag dito sa Beijing ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asa ng panig Tsino na sa pamamagitan ng kasalukuyang pulong, malalimang tatalakayin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang hinggil sa relasyong Sino-ASEAN, komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at iba pang paksa.
Ani Lu, ang naturang pulong ay naglalayong sariwain at lagumin ang karanasan ng pag-unlad ng dialogue relationship ng Tsina at ASEAN, at balakin ang pag-unlad ng relasyon ng kapuwa panig sa hinaharap. Gagawa rin ng paghahanda para sa summit bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relationship ng Tsina at ASEAN na idaraos sa Setyembre ng kasalukuyang taon.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |