GENEVA--Binuksan Lunes, ika-13 ng Hunyo ang Ika-32 pulong ng United Nations Human Rights Council (HRC), lumahok ang mga kinatawan ng lahat ng 193 miyembro ng UN, at ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng HRC.
Sa ngalan ng 136 bansa, bumigkas ng talumpati si Ma Zhaoxu, pirmihang kinatawan ng Tsina sa punong-tanggapan ng UN sa Geneva. Nanawagan siyang palakasin ang tunay na diyalogo at konstruktibong kooperasyon sa larangan ng karapatang pantao, at dapat iwasan ng HRC ang parehong kamalian ng Commission of Human Rights.
Ang HRC na binuo noong 2006 ay isang inter-governmental body para pabutihin at pangalagaan ang karapatang pantao sa daigdig sa pamamagitan ng thematic discussions at structured recommendations.
salin:wle