Geneva, Switzerland—Sa ika-32 Pulong ng United Nations Human Rights Council (HRC), bumigkas ng talumpati si Ma Zhaoxu, pirmihang kinatawan ng Tsina sa punong-tanggapan ng United Nations na nagsabing umaasang pakikitunguhan nang komprehensibo, obdiyektibo at makatuwiran ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina.
Ipinahayag ito ni Ma matapos ilabas ang ulat ng United Nations High Commissioner for Human Rights na nagbanggit ng mga kaso ng Tsina. Aniya, ipinaalam na ng Tsina ang may kinalamang kalagyan sa Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR). Dagdag pa niya, sumusunod ang Tsina sa prinsipyong "rule-of-law," at ang lahat ng mga mamamayan ay pantay-pantay, kung may paglabag sa batas, dapat litisin ito alinsunod sa batas.
salin:wle