Ayon sa datos na inilabas nitong Miyerkules, Hunyo 15, 2016, ng Tourism Authority of Thailand (TAT), noong unang hati ng taong ito, ang bilang ng mga dayuhang turista ay umabot sa halos 16.7 milyong person time na lumaki ng 13% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2015.
Samantala, ang kita ng industriyang ito na dulot ng mga dayuhang turista ay umabot sa halos 23.4 bilyong Dolyares na lumaki ng 17% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2015.
Sinabi ni Yuthasak Sasiprapha, Puno ng nasabing departamento, na sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking pamilihan para sa industriya ng turismo ng bansang ito.
Ayon sa mga datos na inilabas nauna rito, mula Enero hanggang Abril, halos 3.44 milyong person time turistang Tsino ang naglakbay sa Thailand na lumaki ng 27% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2015.