Nagtagpo kahapon, Hunyo 14, 2016, sa Yuxi ng lalawigang Yunnan, Tsina, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Don Pramudwinai ng Thailand.
Ipinahayag ni Wang na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin, kasama ng Thailand, ang mga kooperasyon sa high speed railway, turismo, at mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi rin ni Wang na mahalaga ang relasyon ng Tsina at ASEAN. Nakahanda ang panig Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN, at pangalagaan ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Ipinahayag ni Don Pramudwinai na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Dagdag pa niya, ang pagpapasulong ng relasyon ng ASEAN at Tsina ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang panig.