|
||||||||
|
||
Pumapasok ngayon ang Tsina sa panahon ng tag-ulan. Nitong nagdaang Sabado at Linggo, ang limang lalawigan (Hubei, Jiangxi, Anhui, Sichuan at Fujian) sa dakong timog-silangan ng Tsina ang nakaranas ng malakas na ulan. Apat na mamamayan ang namatay at mahigit dalawang milyon ang apektado.
Ang tag-ulan ng Tsina ay kadalasang tumatagal mula Hunyo hanggang Agosto. Kapuwa ang Tsina at Pilipinas ay apektado ng habagat. Ginamit ni Dr. Rhoads Murphey ang terminong "Monsoon Asia," para tukuyin ang mga bansa na apektado ng habagat, sa kanyang klasikong A History of Asia.
Mga bombero at pulis na tumutulong ilikas ang mga residente ng Shangma, Sichuan province, Linggo, June 19. (Yang Tao/China Daily)
Mga bomberong tumutulong ilikas ang mga residente ng Xiaogan, Hubei province Linggo, June 19. (China Daily)
Ang mga residenteng nakamotorsiklo sa binahang kalye, Jiujiang, Hubei province, Linggo, June 19. (China Daily)
Wuyuan, Jiangxi province na binaha ng malakas na ulan, Sabado, June 18. (China Daily)
Yongning River sa Xuyong county, Sichuan province na biglaang umapaw dahil sa malakas na ulan, Sabado, June 18. (Xinhua)
Biglaang tumaas ang water level ng Liyu River sa Nanping, Fujian province, dahil sa malakas na ulan nitong nagdaang weekend. (Chinanews.com)
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |