|
||||||||
|
||
Mahigit 3 milyong mamamayan at 110,000 hektaryang pananim sa Zhejiang, Fujian at Jiangxi, tatlong lalawigan sa dakong silangan ng Tsina ang apektado ng bagyo. Ang kawalang pangkabuhayan dito ay nagkakahalaga ng 8.73 bilyong yuan (1.43 bilyong U.S. dollars).
Sa kasalukuyan, pumasok na ang bagyo sa Anhui, lalawigan sa dakong gitna ng Tsina. Bunsod ng bagyo, mahigit 550,000 mamamayang lokal at 19,600 hektaryang pananim ang apektado. Kasabay nito, mahigit 500 bahay ang bumagsak at mahigit 1,100 panirahan ang nasira.
Isang residenteng lokal, habang nag-aalis ng tubig-ulan sa bahay niya sa Zhufo'an Township, Huoshan County, Anhui Province. Larawang kinunan noong Aug. 10, 2015.
Makaraang tumama sa Taiwan at kumitil ng buhay ng 6 katao, si Soudelor ay pumasok sa lalawigang Fujian noong ika-8 ng buwang ito. Inaasahang tutuloy ito pahilagang-silangan mula sa Anhui patungong Jiangsu, Hubei at Shanghai.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |