Martes, ika-21 ng Hunyo, 2016, sa preskon ni President-elect Rodrigo Duterte, sinabi niyang hindi niya gusto ang komprontasyong militar laban sa Tsina. Aniya, makikinabang ang Pilipinas at mga mamamayang Pilipino sa pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang maayos na paghawak ng Tsina at Pilipinas sa mga kinauukulang isyu, at pagpapanumbalik ng relasyon ng dalawang bansa, sa malusog na landas ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Ito aniya ay komong pananabik ng mga mamamayang Tsino at Pilipino. Sinabi ni Hua na ito ay magkakaloob ng mainam na pagkakataon para sa pagpapabuti ng pamumuhuan ng mga mamamayan at pagsasakatuparan ng komong kaunlaran ng kapuwa panig. Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng bagong pamahalaan ng Pilipinas, na magsikap para rito, dagdag pa niya.
Salin: Vera