Ngayong araw, Mayo 30, 2016, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay bagong-halal na Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Pangulong Xi na mahaba ang kasaysayan ng mapagkaibigang pagpapalitan ng Pilipinas at Tsina, at malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Aniya pa, ang mapagkaibigan, matatag at malusog na pag-unlad ng ugnayang Pilipino-Sino ay angkop sa saligang interes ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Idinagdag pa niyang ang pagpapanatili at pagpapalalim ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina bilang mabuting magkapitbansa at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ay komong responsibilidad ng mga liderato ng dalawang bansa. Umaasa rin siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, mapapasulong ang relasyong Pilipino-Sino na bumalik sa landas ng malusog na pag-unlad.
Hangad din ni Pangulong Xi na sa pamumuno ni Pangulong Duterte, matamo ng mga mamamayang Pilipino ang bagong progreso sa landas ng konstruksyon at pag-unad ng bansa.