Tinukoy kamakailan ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng Malaysia na naglaan ng mahigit 7 bilyong Ringgit (1.8 bilyong dolyares) ang pamahalaan para isakatuparan ang 152 proyekto ng mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal. Ito aniya ay para umabot ang ambag ng mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal sa 5% hanggang 5.5% ng kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP).
Ipinahayag ni Razak na dapat maging malikhain ang mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal, at hinimok din niya ang mga bahay-kalakal na makipagkooperasyon sa pamahalaan.
salin:Lele