Kuala Lumpur, Malaysia—Idinaos dito Huwebes, ika-16 ng Hunyo, 2016, ang seremonya ng paglagda ng mga kasunduan hinggil sa Bandar Malaysia Project ng Malaysia na pinamumuhunanan ng China Railway Group Limited (CREC). Sa seremonya, nilagdaan ang tatlong kasunduan na kinabibilangan ng kasunduan ng mga share holder ng Bandar Malaysia Corperation, Ltd, Memorandum of Understading (MoU) ng konstruksyon ng comprehensive transportation hub ng Bandar Malaysia Project, at MoU sa pagitan ng Bandar Malaysia Project at mga bangkong pangkooperasyon.
Dumalo at nagtalumpati sa seremonya si Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia. Ipinangako niyang bibigyan ng preperensiyal na patakaran sa aspekto ng pinansya at buwis ang IWH-CREC joint venture, pangunahing developer ng nasabing proyekto na binubuo ng Iskandar Waterfront Holdings at CREC.
Ang Bandar Malaysia ay pinakamalaking di-pa nagagalugad na lupain sa sentrong rehiyon ng Kuala Lumpur. Halos 2 milyong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng naturang proyekto, at halos 8.4 milyong metro kuwadrado ang gross floor area nito.
Salin: Vera