|
||||||||
|
||
Kinumpirma kagabi ng panig militar ng Bangladesh na 20 hostages ang namatay sa naturang insidente at nailigtas ang 13.
Ang naturang 20 biktima ay kinabibilangan ng 9 na Italyano, 7 Hapones, 2 Bengali, 1 Amerikano at 1 Indiano.
Ayon sa panig militar ng bansang ito, napatay nila ang 6 na terorista at naaresto ang isa. Samantala, 2 pulis ang namatay at mahigit 40 katao ang nasugatan sa insidente.
Pagkatapos nito, matinding kinondena ni Sheikh Hasina, Punong Ministro ng bansang ito, ang nasabing insidente. Hiniling din niya sa mga may-kinalamang departamento na tiyakin kung sino ang mga terorista at dahilan ng pag-atake sa lalong madaling panahon.
Inulit niya ang determinasyon ng Bangladesh sa paglaban sa terorismo.
Bukod dito, sinimulan ng Embahadang Tsino sa Bangladesh ang emergency system para payuhan ang mga sibilyang Tsino na mag-ingat sa bansang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |