|
||||||||
|
||
Pinanumbalik mula Lunes, Hulyo 4, hanggang Martes, Hulyo 5, 2016 ng awtoridad na meteorolohikal ng Tsina ang orange alert, ikalawang pinakamalakas na lebel ng ulan sa timog at timog-kanluran ng bansa. Kabilang sa mga apektadong probinsya ay Anhui, Jiangsu, Hubei, Jiangxi, Hunan, Guizhou, at Guangxi Zhuang Autonomous Region. Tinatayang aabot sa 200 milimetro ang pagbuhos ng ulan sa ilang lugar sa nasabing mga probinsya.
Ang tag-ulan ng Tsina ay kadalasang tumatagal mula Hunyo hanggang Agosto. Kapuwa ang Tsina at Pilipinas ay apektado ng habagat. Sa kanyang klasikong A History of Asia, ginamit ni Dr. Rhoads Murphey ang terminong "Monsoon Asia," para tukuyin ang mga bansang apektado ng habagat.
Pinapatibay ng mga tao ang dike sa Hefeng Township sa Lishui District sa Nanjing, kabisera ng Jiangsu Province sa timog Tsina, July 4, 2016. Mas mataas ang lebel ng tubig ng Yangtze River na dumadaan sa Jiangsu Province kaysa sa warning line dahil sa flood water sa itaas na bahagi ng ilog. Xinhua/Ji Chunpeng)
Mga sundalo habang tumutulong sa paglikas ng mga residente sa Xianning City, sa Hubei Province sa gitnang Tsina, July 4, 2016. (Xinhua/Wu Tao)
Aerial photo na kinunan July 4, 2016, na nagpapakita ng binahang lansangan ng Tongcheng, Anqing sa Anhui Province sa timog Tsina. (Xinhua/Li Bo)
Aerial photo na kinunan July 4, 2016, na nagpapakita ng binahang Liusi Township sa Hukou County, Jiangxi Province sa timog Tsina. (Xinhua/Yan Ping)
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |