Ayon sa China News Service, sa panayam kahapon, Hulyo 5, 2016, ng "Chew Daily," sinabi ni Bukit Aman Special Branch Director Mohamad Fuzi Harun, pagkaraang salakayin noong Hunyo 28, 2016, ng mga miyembro ng "Islamic State (IS)" ang isang bar sa Puchong, Selangor, na nagresulta ng pagkasugat ng walong (8) tao, sinuspinde na ng departamento ng paglaban sa terorismo ng kapulisan ng Malaysia ang kanilang bakasyon sa Lasser Bairam. Bukod dito, itinaas aniya ng kapulisan na ng bansa ang lebel ng alerto para maigarantiya ang seguridad ng nasabing kapistahan mula ngayong araw.
Salin: Li Feng