|
||||||||
|
||
Ayon sa China News Service, sa kanyang artikulo sa facebook account, ipinahayag kamakalawa, Hulyo 2, 2016, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na ang madalas na pangyayari ng teroristikong pananalakay, ay nagresulta sa pagkatakot ng mga tao. Nanawagan siya sa buong daigdig na magkaisa para magkakasamang labanan ang terorismo.
Nanawagan siya sa mga pamahalaan ng iba't-ibang bansa na analisahin ang bawat impormasyon, at ibahagi ang naturang mga impormasyon sa lahat ng intelligence agencies.
Dagdag pa niya, alam ng lahat, na walang hanggahan at limitasyon ang terorismo. Ito ay nakakapagbigay ng kaguluhan at pagkasira sa lipunan, at nagdudulot ng pagkamatay ng mga inosenteng sibilyan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |