Ang Ika-11 ng Hulyo ay "Maritime Day" ng Tsina. Sa isang newd briefing na idinaos kahapon sa Ningbo, Zhejiang Province ng Tsina, para sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa "Maritime Day," ipinahayag ni Xu Ruqing, Puno ng Maritime Safety Administration ng Tsina na laging pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa kalayaan at kaligtasan ng nabigasyon sa South China Sea, at isinasagawa ang mga hakbangin sa 4 na larangan:
Pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura para sa pangangalaga ng nabigasyon, pagpapabuti ng mekanismo ng paglalayag, pagpapabuti ng search and rescue operation, at pagpapahigpit ng kooperasyong pandaigdig.
Isinalaysay niyang hanggang sa kasalukuyan, itinatag na ng Tsina ang 31 navigation mark sa South China Sea.
salin:wle