|
||||||||
|
||
Sa isang talakayan ng mga mamamahayag na Tsino't dayuhan hinggil sa "patakarang pandepensa ng Tsina," ipinahayag Huwebes, ika-7 ng Hulyo, 2016, ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang panig Tsino ay hindi naglulunsad ng anumang masalimuot na kalagayan sa South China Sea. Aniya, nananatiling legal, makatwiran, lehitimo, propesyonal at responsable ang aksyon ng panig Tsino. Aniya pa, kung lilikha ng kaguluhan ang ilang bansa sa labas ng rehiyon ng South China Sea, sa ngalan ng kapayapaan, may sariling paraan ang panig Tsino para harapin ito.
Inulit ni Yang na palagian at hindi magbabago ang patakaran at paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Buong tatag aniyang pangangalagaan ng Tsina ang sariling teritoryo, soberanya, at lehitimong karapatan at kapakanang pandagat; buong tatag na pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea; at patuloy na igigiit ang mapayapang paglutas sa mga may kinalamang alitan, sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan at pakikipagsanggunian sa mga may direktang kinalamang panig, batay sa paggalang sa katotohanang historikal at pandaigdigang batas.
Mariin niyang binatikos ang walang tigil na kilos ng ilang bansa sa labas ng rehiyon na gaya ng Estados Unidos, sa ngalan ng pangangalga sa katiwasayang pandaigdig. Aniya, ang pakikialam ng mga bansa sa labas ng rehiyon sa nasabing isyu ay, sa katunayan, para sa sariling interes. Nagsasapanganib aniya ito sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Nang mabanggit ang paglalayag at pamamatrolya ng maraming bapor na pandigma ng Estados Unidos sa nasabing karagatan, sinabi ni Yang na ang araw ng pagtigil ng mga bapor at eroplanong pandigma ng Estados Unidos ng probokasyon ay araw ng pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Tungkol naman sa pagsasanay militar kamakailan ng hukbong pandagat ng Tsina sa South China Sea, sinabi ni Yang na ang naturang pagsasanay ay regular na tauhang pagsasanay ng hukbong Tsino.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |