Ayon sa Xinhua News Agency, mula Haikou Meilan International Airport, at pagkaraan ng halos dalawang (2) oras na paglipad, ang dalawang eroplanong pampasahero ng China Southern Airlines at Hainan Airlines ay maalwang bumaba, Miyerkules, Hulyo 13, 2016, sa bagong naitayong paliparan sa Meiji Reef at Zhubi Reef sa Nansha Islands sa South China Sea. Bumalik din sila sa Haikou nang araw ring iyon. Ito ay palatandaang maging matagumpay ang subok-lipad sa naturang mga bagong naitayong paliparan.
Hanggang sa ngayon, magkakasunod na naitayo at naisaoperasyon ng Tsina ang bawat isang paliparan sa Yongshu Reef, Meiji Reef, at Zhubi Reef. Pagkaraan ng pagsasaoperasyon ng naturang mga paliparan, maaring itaas nang malaki ang kakayahan ng pagbibigay-serbisyo sa komunikasyong panghimpapawid sa rehiyon ng South China Sea. Bukod dito, ang nasabing mga paliparan ay inaasahang magkakaloob ng serbisyong pampubliko sa mga aspektong gaya ng transportasyon ng mga tauhan, pangkagipitang tulong, at saklolong medikal.
Salin: Li Feng