Ayon sa Xinhua News Agency, ayon sa tinayang datos na isinapubliko Huwebes, Hulyo 14, 2016, ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, ipinakikita nito na noong ika-2 kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 2.2% ang kabuhayan ng bansang ito. Ito ay mas mataas kumpara sa 2.1% na paglaki noong unang kuwarter.
Ayon sa nasabing datos, lumaki ng 0.8% ang manufacturing industry ng bansa noong ika-2 kuwarter, bagay na natigil noong ilang kuwarter ng nakararaang taon. Ang industriya ng paggawa ay katumbas ng halos 1/5 ng proporsiyon ng kabuhayan ng Singapore.
Salin: Li Feng