Ipinahayag kahapon ng Kawanihan ng Pangangasiwa sa Pinansya ng Singapore na noong unang hati ng taong ito, lumago ng 2.3% ang kabuhayan ng Singapore kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at tinayang pananatilihin ang tunguhing ito sa huling hati.
Ipinalabas ng naturang kawanihan ang datos na ito sa isang news briefing hinggil sa taunang ulat ng kawanihan ito mula taong 2014 hanggang 2015. Ang nasabing datos ay sa loob ng ekspektasyon ng pamahalaan na lalago ng 2% hanggang 4% ang kabuhayan sa kasalukuyang taon.
Salin: Vera