Nairobi, Kenya—Binuksan Linggo, Hulyo 17, 2016, ang ika-14 na Pulong ng United Nations Conference on Trade and Development ( UNCTAD ), kung saan kalahok ang mahigit 7,000 kinatawan mula sa mahigit 100 bansa upang talakayin ang hinggil sa sustenableng pag-unlad.
Bumigkas ng talumpati si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng Untied Nations(UN) na sa kasalukuyan, hindi positibo ang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, at patuloy na bumababa ang presyo ng mga paninda at bumabagal ang kalakalan ng daigdig. Nananatili rin aniyang mahigpit ang kalagayan ng trade protectionism at paghahanap-buhay.
Aniya pa, ang taong ito ay unang taon para maisakatuparan ang target ng "2030 Agenda for Sustainable Development" ng UN, at ito ay nangangailangan ng magkakasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig.
salin:wle