Ayon sa Chinese version ng World Investment Report 2015 na ipinalabas kahapon sa Xiamen, Tsina ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), noong 2014, umabot sa 129 na bilyong Dolyares ang Foreign Direct Investment (FDI) sa Tsina. Dahil dito, sa kauna-unahang pagkakataon, ang Tsina ay naging bansa sa buong daigdig na may pinakamalaking halaga ng FDI.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhan Xiaoning, opisyal ng UNCTAD, na ipinakikita ng naturang resulta na ang Tsina ay nananatiling isa sa mga destinasyon ng pamumuhunan na pinakakaaya-aya sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai