Ayon sa Xinhua News Agency, idinaos sa Singapore Biyernes, Hulyo 22, 2016, ang unang Pulong ng Konseho ng China-Southeast Asia Research Center on the South China Sea (CSARC). Tinalakay sa pulong ng mga kalahok ang tungkol sa mga isyung gaya ng pagtatatag ng mekanismo ng sentro, direksyon ng pag-aaral, at larangang pangkooperasyon. Ang pagdaraos ng pulong na ito ay sumasagisag ng pormal na operasyon ng nasabing sentro.
Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa walong (8) bansang kinabibilangan ng Tsina, Indonesia, Cambodia, Thailand, Malaysia, Singapore, Pilipinas, at Biyetnam.
Sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga talakayan, simposyum, pagpapalabas ng ulat, at iba pang porma, magpopokus ang CSARC sa mga isyung may kinalaman sa South China Sea na gaya ng pangangalaga sa dagat, seguridad sa paglalayag, pamamahala sa krisis, at magkakasamang paggagalugad.
Salin: Li Feng