Sa Vientiane, Laos — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Linggo, Hulyo 24, 2016, kay Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na sapul nang manungkulan ang Laos bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), natamo pa ng relasyong Sino-ASEAN ang bagong progreso. Hinahangaan aniya ng Tsina ang pananangan ng Laos sa obdiyektibo at pantay na posisyon sa isyu ng South China Sea.
Ipinahayag naman ni Saleumxay Kommasith ang kahandaan ng Laos na aktibong pasulungin ang kooperasyong Lao-Sino, at ang relasyong ASEAN-Sino. Aniya, ang kaso ng arbitrasyon sa South China Sea ay nakakapinsala na sa katatagan ng ASEAN at rehiyon, at hindi inaasahan ng nakakaraming kasaping bansa ng ASEAN ang paglala ng isyung ito. Bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, makikipagkoordinahan ang Laos sa iba't-ibang panig para mapangalagaan ang pagkakaisa ng ASEAN, at ang pangkalahatang kalagayan ng relasyong ASEAN-Sino, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng