Sa Singapore (Xinhua) — Ipinahayag Martes, Hulyo 19, 2016, ni Zhao Qizheng, Dean ng School of Journalism and Communication ng Renmin University ng Tsina, na pawang umaasa ang iba't-ibang panig na mapapanumbalik muli ng Tsina at Pilipinas ang bilateral na talastasan. Kung isasagawa ng dalawang bansa ang negosyasyon, puwedeng umpisahan mula isyung madaling malulutas, aniya. Ngunit, hindi dapat suspendihin ang ganitong talastasan, dagdag pa niya.
Ipininid sa Singapore Lunes, Hulyo 18, 2016, ang isang araw na "Think Tank Seminar on South China Sea and Regional Cooperation and Development." Sa preskong idinaos Martes, sinabi ni Zhao na may maraming komong kapakanan ang Tsina at Pilipinas, siyempre, umiiral din ang kontradiksyon at hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa. Aniya, ilampung taon nang tumagal ang hidwaan ng Tsina at Pilipinas sa isyu ng South China Sea, at mahirap na lutasin ang isyung ito sa loob ng maikling panahon. Sa kasalukuyan, ang pinakamainam na paraan ay mag-umpisa sa isyung madaling malulutas, dagdag pa ni Zhao.
Ipinahayag din ni Li Guoqiang, Pangalawang Direktor ng Institute of Chinese Borderland Studies ng Chinese Academy of Social Sciences, na nananatiling bukas ang pintong diplomatiko ng Tsina para malutas ang isyu ng South China Sea. Palagian aniyang winiwelkam ng Tsina ang mapayapang kalutasan sa isyung ito sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo at pakikipagsanggunian sa mga may-kinalamang bansa.
Ayon sa mediang Pilipino, ipinahayag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na ipapadala ang espesyal na sugo sa Tsina para maisagawa ang pakikipagtalastasan sa Tsina tungkol sa isyu ng South China Sea. Kaugnay nito, ipinahayag ni Li Guoqiang ang pag-asang mananangan ang dalawang bansa ng posisyon ng paggagalangan sa isa't-isa at magkakasamang negosyasyon para mapanumbalik sa paraang diplomatiko ang paglutas sa nasabing isyu.
Salin: Li Feng