Ipinahayag noong Hulyo 28, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang isasaalang-alang ng Hapon ang dahilan sa pagkakahiwalay nito sa komunidad ng daigdig dahil sa isyu ng South China Sea(SCS). Aniya, kung hindi itatakwil ng Hapon ang maling paninindigan, lubusang maibubukod ang bansa sa hinaharap.
Winika ito ni Lu Kang bilang tugon sa ulat mula sa media ng Hapon na naging mabisa at angkop sa pandaigdigang batas ang resulta ng arbitrasyon ng SCS at sa mga may-kinalamang pahayag mula sa pamahalaang Hapones, matapos ang Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya.
Sinabi ni Lu na sa kasalukuyan, mahigit 80 bansa't organisasyong panrehiyon at pandaigdig ang sumusuporta sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng SCS. Pero, iilang bansa lamang ang nagpapatuloy pa rin sa pagsasabi na mabisa at angkop sa pandaigdigang batas ang resulta ng arbitrasyon ng SCS. Umaasa aniya siyang tatalima ang nasabing mga bansa sa pangkaraniwang makatarungang paninindigan ng komunidad ng daigdig para pangalagaan ang dignidad ng pandaidigang batas.
Ani Lu, umaasa ang Tsina na seryosong haharapin ng Hapon ang kasaysayan at kasalukuyan, tatalima sa regulasyon at kaayusang pandaigdig, at gagawa ng mga bagay na makakatulong sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.