Kaugnay ng 2016 Defense White Paper na isinapubliko noong Agosto 2, 2016 ng Ministring Pandepensa ng Hapon, ipinahayag ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina na binabaluktot ng Hapon ang lehitimo at makatwirang pagdedebelop ng Tsina sa tanggulang bansa at hukbo. Tinututulan aniya ng panig militar ng Tsina ang mga ito, at nagharap ng solemnang representasyon sa panig Hapones.
Ani Wu, walang batayang pinapalaganap ng nasabing white paper ang umanong grabeng kalagayan sa South China Sea at East China Sea. Aniya, sa nasabing white paper, nakikita hindi lamang ang pagiging ostilo sa hukbo ng Tsina, kundi rin ang tangka ng Hapon sa motibong pagsira sa pakikipagtulungan ng Tsina sa mga kapitbansa at inihatid na kasinungalingan sa komunidad ng daigdig.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Hapon na seryosong magsisi sa kasaysayan, igalang ang kasalukuyang kalagayan, itigil ang pagpapasama sa imahe ng Tsina, at isagawa ang mabibisang hakbang para pabutihin ang relasyong Sino-Hapones, at tamuin ang tiwala mula sa komunidad ng daigdig.