Biyernes, ika-5 ng Agosto,2016, Nay Pyi Taw—Nilagdaan dito ng Myanmar at Laos ang unang kasunduan sa pangangasiwa sa tulay ng pagkakabigan ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, sinimulan ni Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos ang kanyang pagdalaw sa Myanmar. Nag-usap ang mga lider ng dalawang bansa tungkol sa mga isyung gaya ng bilateral na diyalogo at pagdadalawan, pagdaraos ng bilateral na pulong, kooperasyon sa mga suliraning panghanggahan at iba pang isyu. Ang nabanggit na kasunduan ay nilagdaan ng mga ministrong panlabas ng kapuwa panig pagkatapos ng pag-uusap.
Naisaoperasyon ang tulay ng pagkakaibigan sa pagitan ng Shan State ng Myanmar at Lalawigang Luang Nam Tha ng Laos noong nagdaang Mayo, 2015. Ito ay may kabuuang haba na halos 692 metro.
Salin: Vera