Nagtagpo nitong Biyernes, Mayo 6, 2016, sa Vientiane sina Pangulo Bounnhang Vorachith ng Laos at kanyang counterpart na si Htin Kyaw ng Myanmar, para palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan ng dalawang lider na buong sikap na pahigpitin ang mga bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan, pamumuhunan, edukasyon at turismo.
Tinalakay din nila ang pagpapanumbalik ng dalawang direktang flight na gaya ng mula Vientiane hanggang Rangon at mula Luang Prabang hanggang Bagan.
Bukod dito, nakipagtagpo rin si Htin Kyaw kay Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos.
Si Aung San Suu Kyi, State Counselor, at Ministrong Panlabas ng Myanmar ay sumama sa pagdalaw ni Htin Kyaw sa Laos.