Ipinahayag kamakailan ni Thomas Trikasih Lembong, Direktor ng Investment Coordinating Board of Indonesia (BKPM) na buong sikap na pinasusulong ng kanyang bansa ang paghihikayat ng pamumuhunan ng Tsina. Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, ang Tsina ay ika-4 na pinakamalaking bansa sa buong daigdig na namumuhunan sa Indonesia.
Sinabi pa niyang patuloy na pahihigpitin ng kanyang bansa ang mainam na kooperasyon sa Tsina at pasisiglahin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa mga larangan ng kanyang bansa na gaya ng industriya at turismo.