Ipinahayag Miyerkules, Agosto 3, 2016, sa Indonesia ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin, kasama ng Indonesia, ang relasyon ng kabuhayan at pamumuhunan para sa komong kapakanan ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, nagtagpo siya at si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia. Sinang-ayunan silang patuloy na pahigpitin ang kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Najib na ang ganitong kooperasyon ay makakabuti sa mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal ng dalawang bansa at magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa kanilang pagluluwas.