Sa women's 10m synchronized platform final sa 2016 Rio Olympic Games, nagwagi ng medalyang pilak ang mga atletang Malay na sina Cheong Jun Hoong at Pandelela Rinong. Paghahatian nila ang 300,000 Ringgit (halos 75,000 dolyares) na gantimpalang salapi, at 3,000 Ringgit na pensyon bawat buwan.
Ayon sa plano ng Pambansang Konseho ng Palakasan ng Malaysia, bibigyan ng isang milyon Ringgit na gantimpalang salapi at 5,000 Ringgit na pensyon bawat buwan ang mga mananalo ng ginto sa Olimpiyada. 300,000 Ringgit na gantimpalang salapi at 3,000 Ringgit na pensyon naman ang makukuha ng mga silver medalists, at 100,000 Ringgit na gantimpalang salapi at 2,000 Ringgit na pension para sa mga makasusungkit ng medalyang tanso.
Salin: Vera