Ipinatawag kahapon, ika-18 ng Marso, 2016, sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pulong, para pakinggan ang ulat hinggil sa mga gawain ng paghahanda ng Beijing at Zhangjiakou, host at co-host city ng 2022 Winter Olympic and Paralympic Games, para sa mga palarong ito.
Hiniling ni Xi na ipatupad ang mga ideya ng inobasyon, koordinasyon, green development, pagbubukas, at pagbabahagi, sa mga gawain ng paghahanda, para itaguyod ang natatangi, kahanga-hanga, at napakahusay na Winter Olympic at Paralympic Games.
Salin: Liu Kai