Ayon sa China News Service, idinaos sa Kunming nitong Huwebes, Agosto 11, 2016, ang Ika-3 China International (Yunnan) Fair for Culture, Tourism at Investment. Dumalo rito ang delegasyong Kambodyano na pinamumunuan ni Thong Khon, Ministro ng Turismo ng bansang ito. Welkam aniya ang mga Tsinong turista at mamumuhunan na nagpunta sa Cambodia.
Ayon sa estadistika, noong isang taon, umabot sa 4.8 milyong person-time ang mga dayuhang turista sa Cambodia. Kabilang dito, halos 700 libo ang turistang Tsino na nasa ikalawang puwesto. Ayon sa pagtaya, sa kasalukuyang taon, may pag-asang aakyat sa 1 milyong person-time ang mga turistang Tsino sa Cambodia.
Salin: Li Feng