|
||||||||
|
||
Sina Aung San Suu Kyi (sa kaliwa) at Li Keqiang (sa kanan)
Sa Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipag-usap kahapon ng hapon, Agosto 18, 2016, kay Aung San Suu Kyi, dumadalaw na State Counselor ng Myanmar, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sapul nang manungkulan si Aung San Suu Kyi bilang State Counselor ng Myanmar, ang Tsina ay unang bansang binisita niya sa labas ng ASEAN. Ito aniya ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina, at hinahangaan ito ng panig Tsino.
Relasyon ng Tsina at Myanmar
Tinukoy ni Premyer Li na kinakatigan ng panig Tsino ang pagpili ng Myanmar sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado. Kinakatigan din aniya ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng Myanmar para mapasulong ang pambansang rekonsilyasyon, pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na patibayin kasama ng Myanmar, ang pagtitiwalaang pampulitika, palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga pamahalaan, parliamento, partido, hukbo, at organisasyong panlipunan ng dalawang bansa, para mapasulong ang pagtatamo ng relasyon ng dalawang bansa ng mas malaking progreso, at magkasamang mapasulong ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Kooperasyon ng Tsina at Myanmar
Ipinagdiinan ng Premyer Tsino na malakas ang pagkokomplemento ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Myanmar. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Myanmar para mapaunlad ang estratehikong pag-uugnayan ng dalawang bansa, at mapabuti pa ang pagpaplano ng kanilang kooperasyon.
Relasyon ng Tsina at ASEAN
Ipinahayag ni Premyer Li na ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa ASEAN, at kinakatigan ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN. Pinahahalagahan ng Tsina ang ibinibigay na mahalagang papel ng Myanmar bilang mahalagang miyembro ng ASEAN, at nakahanda itong magsikap kasama ng iba't-ibang bansang ASEAN para komprehensibong mapataas ang lebel ng kanilang kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Ang San Suu Kyi ang lubos na pagpapahalaga ng bagong pamahalaan ng Myanmar sa pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Pinasalamatan aniya ng Myanmar ang ibinibigay na tulong ng panig Tsino sa pag-unlad ng Myanmar. Patuloy at buong sikap na patitibayin at pauunlarin ng Myanmar ang relasyon sa Tsina, dagdag pa niya.
Pagkaraan ng pag-uusap, magkasamang sinaksihan nina Li Keqiang at Aung San Suu Kyi ang paglalagda sa dokumento tungkol sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |