Ayon sa ulat ng "VietnamNews" kamakailan, ipinakikita ng "Ulat ng Makro-Prospek ng Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC)" na noong kalagitnaan ng Hunyo, 2016, umabot sa 38 bilyong US Dollar ang Foreign Exchange Reserve (kabilang ang ginto) ng Biyetnam. Ito anito ay naging rekord sa kasaysayan.
Noong unang lima at kalahating buwan ng taong 2016, nabili ng Bangko Sentral ng Biyetnam ang halos 8 bilyong US Dollar para dagdagan ang FER. Napag-alamang ang direktang pamumuhunan mula sa mga dayuhang mangangalakal at remittance ay pangunahing pinagmumulan ng reserba ng dolyares ng naturang bansa. Ayon sa kawanihan ng estadistika ng Biyetnam, hanggang Hulyo 20, 2016, naakit na ng bansang ito ang 8.7 bilyong US Dollar mula 1408 proyektong pampamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal.
Salin: Li Feng