Ipinahayag Martes, Agosto 9, 2016, ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Vietnam na kailangang magsisikap ang bansa para umabot sa 10% ng GDP ang turismo.
Sa isang pulong hinggil sa pambansang turismo, sinabi ni Punong Ministro Nguyen na noong 2015, umabot sa 8.5 bilyong US dollar ang kitang panturismo ng bansa at 6.6% ang ambag ng turismo ng Vietnam sa GDP ng bansa.
Ipinagdiinan niyang kung ihahambing sa ibang bansa ng Timog-silangang Asya na gaya ng Thailand, Malaysia at Singapore, kailangan pang pasulungin ng Vietnam ang kapaligirang panturista, presyo, seguridad at serbisyo. Bilang tugon, iminungkahi niyang balangkasin ng pamahalaan ang mabibisang hakbangin para mapasulong ang pambansang turismo.
Salin: Jade
Pulido: Mac