|
||||||||
|
||
Isinapubliko Lunes, Agosto 22, 2016, ng opisina ng Punong Ministro ng Singapore ang komunike tungkol sa pagsuspendi ng gawain ni Punong Ministro Lee Hsien Loong dahil sa sakit. Ayon sa komunikeng ito, mula ika-22 hanggang ika-29 ng kasalukuyang buwan, nakabakasyon ng isang linggo ang Singaporean PM.
Samantala, sa panahong iyon, manunungkulan ang Pangalawang Punong Ministro na si Teo Chee Hean bilang pansamantalang PM ng bansa.
Ayon sa ulat ng "Lianhe Zaobao," nakatakdang bumiyahe Huwebes, Agosto 25, si Lee Hsien Loong sa Indonesia at makikipagtagpo kay Pangulong Joko Widodo ng naturang bansa. Ngunit dahil sa kanyang sakit, ipagpapaliban ang pagtatagpo ng dalawang lider.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |