Hinimok kamakailan ni Lee Hsien Loong, Punong Minstro ng Singapore, ang Hapon na aminin ang krimen na ginawa nito noong World War II (WWII).
Ipinahayag ito ni Lee sa kanyang keynote speech sa Shangri-La Dialogue o Asia Security Summit na ginanap sa Singapore.
Pinuna rin ni Lee ang mga makakanang dalubhasa at politician ng Hapon sa pambabaluktot sa katotohanang pangkasaysayan.
Ipingdiinan din ni Lee na 70 taon na ang nakakaraan, sapul nang matapos ang WWII, pero, ang mga naiwang isyu ay nakakapinsala pa rin sa relasyon ng Hapon at mga kapitbansa nitong Asyano. Hiniling din niya sa Hapon na gayahin ang mga bansang Europeo sa pag-amin sa kasalanan ng pananalakay.
Salin: Jade