Pagkatapos ng pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Hapon at Timog Korea, nagtagpo Miyerkules, Agosto 24, 2016, sa Tokyo sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Fumio Kishida ng Hapon.
Kapwa nila ipinahayag na mabunga ang katatapos na pulong.
Kaugnay ng relasyong Sino-Hapones, ipinahayag ng dalawang panig na dapat hawakan ang kanilang mga hidwaan at pasulungin ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan para panumbalikin ang bilateral na relasyon sa normal na landas.
Tinalakay din nila ang isyu ng East China Sea (ECS). Sinang-ayunan nilang pahigpitin ang diyalogo para idaos ang mataas na pagsasanggunian hinggil sa mga suliraning pandagat at simulan ang mekanismo ng pag-uugnay sa mga isyung pandagat at panghimpapawid.