Kinatagpo Miyerkules, Agosto 24, sa Tokyo ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang mga ministrong panlabas na lumahok sa ika-8 pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Timog Korea, at Hapon.
Ipinahayag ni Shinzo Abe na mahalaga ang kooperasyon ng tatlong bansa para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong Hilagang silangang Asya. Umaasa aniya siyang maisasakatuparan ng tatlong bansa ang mga bunga ng nasabing pulong para pabutihin ang kani-kanilang bilateral na relasyon at pasulungin ang pag-unlad ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kasalukuyang pulong ay nakakabuti sa katatagan at kaunlaran ng mga kooperasyon ng tatlong bansa. Dagdag pa niya, iniharap ng panig Tsino na dapat pasulungin ang relasyon at kooperasyon ng tatlong bansa sa pamamagitan ng pulitika, kabuhayan, kultura at sustenableng pag-unlad.
Kaugnay ng idaraos na G20 Summit sa Hangzhou ng Tsina, sinabi ni Wang na winewelkam ng Tsina ang pagganap ng Hapon ng positibo at konstruktibong papel para sa tagumpay ng G20 Summit.
Ipinahayag ni Shinzo Abe na mahalaga ang G20 Summit para sa sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Nakahada aniya siyang ipagkaloob ang mga kinakailangang tulong para sa tagumpay ng nasabing summit.