Sinabi Miyerkules, Agosto 24, ng Ministry of the State Counselor's Office ng Myanmar na itatatag ng pamahalaang sentral ang Advisory Commission on Rakhine state at inimbitahan si Kofi Annan, dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), para manungkulan bilang Tagapangulo ng lupong ito.
Ayon sa panig opisyal ng Myanmar, ang nasabing lupon ay bubuuin ng 9 na miyembro para suriin ang mga sagupaan sa lugar na ito at iharap sa pamahalaan ng bansang ito ang mga mungkahi ng paglutas sa isyung ito.
Ang Rakhine State ay nasa dakong Hilaga ng Myanmar. Ang isyung ito ay nagmula sa malubhang hidwaan at sagupaan sa pagitan ng Rakhine people at Rohingya people.